Ginataang Bilo-bilo
Mga Sangkap
1/4 Bilo-bilo Php 20
1/4 Langka Php 20
1/4 Asukal segunda Php 12
1 kg Kamote Php 20
10pcs Saba Php 20
2 Baong Gata Php 30
1 basong Sago Php 5
1 kutsarang Vanilla Php 16
2 kutsarang Harina Php 5
Kabuuang gastos Php 148
Maiihain sa 15 ka-tao
Una ay gataan ang 2 niyog sa 2 basong mainit na tubig para sa kakang gata at itabi. Muling gataan ang niyog sa 3 basong mainit na tubig. Isalin sa kaldero ang ikalawang gata, magdagdag ng 5-6 pang baso ng tubig at pakuluan.
Habang pinapakuluan ay ihanda na ang iba pang mga sangkap. Unang ilagay ang saging na saba na hiniwa na pa-half moon, antayin maluto ng bahagya (mga 3 minuto).
Sunod na ilagay ang kamote na hiniwa ng pa-kuwadrado.
(Maaari rin magdagdag ng sangkap tulad ng kamoteng kahoy at gabi, ito po ay opsiyonal)
Pakakulo ng kamote ay idagdag na ang binilog na bilo-bilo.
Antayin lumutang ang bilo-bilo bago ilagay ang asukal. haluing mabuti.
Pakuluin ng 5 minuto. Sunod na ilagay ang sago at langka
Mas mainam gumamit ng sariwang langka para mas mabango.
(Minatamis na langka po ang aking ginamit,
natirang sangkap sa ginawa naming halo-halo :D)
Ilagay ay ang kakang gata o unang piga at vanilla para mas lumasa.
Maari ring lagyan ng pandan kung walang vanilla
para mas lalo pang bumango ang lutuin
Magkanaw ng 2 kutsarang harina sa kalahating basong tubig.
Ibuhos sa lutuin para lumapot.
Pakuluin pa ang mga sangkap hanggang sa lumambot ang kamote at saging.
Para mas atraktibo, maari rin lagyan ng violet na food coloring, ito po ay opsiyonal.
Ihain ng mainit. Kumain kasabay ang pamilya. Enjoy!
To God be all the glory!