Tuesday, May 1, 2018

How to cook Pork Tonkatsu and Katsu Sauce

Pork Tonkatsu

Ingredients
1/2 kg Pork chops skin removed
1cup Japanese bread crumbs
1/2cup flour
1 egg
Iodized Salt
Ground black pepper
1cup shredded cabbage for garnish
Serving size: Good for 5 persons

First step ay lagyan ng salt and pepper ang pork chops, tusok tusukin o hiwa hiwain ng bahagya gamit ang kutsilyo ang pork chop para manuot ang pampalasa at mas madaling maluto.

Sunod ay lagyan ng harina, siguraduhing covered lahat ng parte atsaka itaktak para maalis ang sobrang harina.

Ilubog sa binating itlog ang pork chop na balot ng harina.

Panghuli ay ilagay sa Japanese bread crumbs at siguraduhin din na malagyan lahat ng parte atsaka itaktak ng dahan dahan para matanggal ang sobrang bread crumbs.

Magpainit ng mantika, medium fire or kung induction cooker ang gamit ay 350℃. Ilubog ng dahan dahan sa mainit na mantika at lutuin ng 6-8 minuto. I-turn kada isang minuto ang pork kung hindi nakalubog sa mantika. 

Pakaluto ay ilagay sa cooling rack

Hiwain sa lima hanggang anim na piraso, ipatong sa ginayat na repolyo at saka buhusan ng katsu sauce at ihain ng mainit. 


Katsu Sauce filipino style

Ingredients

2 tbsp Worcestershire sauce
4 tbsp Banana catsup
1/2 tsp ground black pepper
1 tbsp brown sugar

Ilagay lahat ng ingredients sa isang maliit na mangkok at haluin ng maige at ihanda kasama ang pork tonkatsu. Enjoy! 


How to cook Pork Tonkatsu and Katsu Sauce

Pork Tonkatsu Ingredients 1/2 kg Pork chops skin removed 1cup Japanese bread crumbs 1/2cup flour 1 egg Iodized Salt Ground black ...